Blog Officially Closed. I moved to another blog. ;)

Posted in Uncategorized on Disyembre 10, 2008 by Miho the Explorer

Hoy!

Bat

andito

ka

pa?!

Lumipat

na

ako

dito

oh… :)

Click mo…

Click mo…

>>>

simiholaeksplorada.wordpress.com

Yan,

Salamat

sa

pag-bisita,

kaibigan. :)

Ang Bagong Bahay ng Eksplorada…

Posted in Uncategorized on Disyembre 9, 2008 by Miho the Explorer

Kamusta-sa na kayo mga ka-blog? Dahil malapit na ang Pasko at marami nang nagsisi-uwian sa Pinas, lalo na yung mga OFW, naisipan kong bumalik. Pero kung inyong inaakalang rito na ulit ako mag-bo-blog ay nagkakamali kayo. May bagong bahay na ako sa bagong pangalan at bagong itsura nito.

Open parin naman itong miholaeksplorada ko para sa mga taong nais balikan ang aking mga nakaraang post. Ngunit para sa mga fresh na fresh at straight from the oven [wow, mainit-init?!] na chika ukol sa inyong minamahal na batang eksplorada, magtungo lamang kayo rito : simiholaeksplorada.wordpress.com.

Marahil ay naitatanong niyo na kung bakit ko ninais magbalik. Ito ay sapagkat nami-miss ko narin ang blogosphere at dahil sa kabusy-han rin ng mga friends ko, wala akong outlet sa mga makukulit at mahahabang kwento ng inyong lingkod. Naisipan kong dahil Pasko naman at malapit na ang Christmas Vacation namin, babalik na ako sa piling ninyo upang magsabog ng mga ka-chorvahan. Oh debah?

Sa mga naka-miss sa akin, salamat. Sa mga nag-intay, maraming salamat. At sa mga wapakels at keber lang dyan, ok na rin. Atleast kilala niyo pa ako diba?

Maraming salamat rinpala kay Ate Khengks na nag-comment sa aking post ukol sa aking “Pamamaalam”. Sa inyong lahat, walang humpay na pasasalamat, lalo na dun sa mga nag-abang ng aking mga kwento.

Oh iyan ha, nagbalik na aketch! Anong say niyo?

Pamamaalam…

Posted in Uncategorized on Oktubre 29, 2008 by Miho the Explorer

ika-29 ng Oktubre, taong 2008

Dear Blogosphere,

Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapag-update sa aking blog. Hindi ko na rin nakaka-chokaran ang mga dati kong blog friendshies. Wala na ata kayong balita mula sa akin.

May mga nakaka-miss nga ba sa akin? Kilala niyo pa kaya ako? Natatandaan niyo pa kaya kung sino ako? Ano kayang ipinagkaiba ng blogosphere nung andyan pa ako, at nung nawala ako? Kamusta na kaya ang mga naghintay sa part 2 ng isa sa aking mga blog post? Nabitin ba kayo? Nainis dahil hindi natapos?

Kung ano man ang mga sagot niyo sa mga tanong sa itaas, ok lang po sa akin. Ninanais ko nang lumiban sa pagba-blog dahil sa kakulangan sa mga ideya, pati na rin ang ka-busyhan sa aking buhay. Pero huwag po kayong mag-alala, babalik rin po ako. Hindi ko matitiyak ang petsa, pero nasisiguro kong ako’y babalik muli upang magsulat ng ukol sa aking buhay, at makipag-kaibigan sa inyo. Ihahanda ko muna ang aking sarili, tatapusin ang mga dapat gawin, at sisiguraduhin na ako’y magiging isang ganap na blogger muli, kapag handa na ako.

Natatakot pa akong ipahayag ang aking damdamin sapagkat baka ako ay inyong husgahan. Ngunit alam ko na paglipas ng panahon, mas magiging matatag na ako upang harapin ang sambayanang blogosphere. Nasa sa inyo na iyon kung nais niyo pa akong hintayin o hindi. Ngunit ito lamang ang aking masasabi: Sa iilang linggo na nakasama ko kayo rito sa blogosphere, naramdaman ko talaga na kahit pala ang isang batang katulad ko ay “welcome” sa isang kakaibang mundo kung saan kakaunti lang ang mga tulad kong “minor” pa lamang. Sa totoo lang, nasisiyahan talaga ako simula noong ako’y mapadpad sa blogosphere. Pero sabi nga nila, “All things must go”, kaya’t heto ako, magpapa-alam na muna.

Muli, ako’y nagpapasalamat sa inyong lahat. Paalam at kitakits nalang ulit sa susunod kong eksplorasyon :) .

Ang inyong batang eksplorer,

Miho La Eksplorada

Domino Tag

Posted in Tagseng-tagseng! na may mga marka on Agosto 29, 2008 by Miho the Explorer

Eto ang second time kong na-tag! Tenkyu berimatshi kay jOycEe!

Domino

Rule: Copy the entire list and add your name at the bottom. And tag at least 5 friends. (But you can tag as many as you like).
Note: Please link the blog where you posted the tag ) We appreciate you linking all your blogs but make sure you post the tag in the blogs too.

Mommy Talks | Aggie Shoots. Aggie Scraps | All Kinds of Me Stuff | The Salad Caper | Winding Creek Circle | Anorexic Queen | Apple of Yan Ple | YanPle | Howell and Abie | My Planet Purple | WomenXplore | Princess Bela | My Happy Place | I am Dzoi | Cliktrik | Life’s Simple Pleasures | Coffee Table Conversations | 100% Kelly | My Colorful World | Ramdom Thoughts | Scribbles of My Life | In This Game of Life | The Shopaholic in Me | Mommyhood and Me | My Charmed Life | My Joys | Sassy Finds | Celebrating Life | Life is Peachy | Belly, Baby and Beyond | {BloggerHappy} | {BerryScrappy} | A Handful of Surprises | My Paper Scraps | Digitally Diane | Somewhere Over the Rainbow| Joycee’s Habitat | Miho La Eksplorada

Tagging : Enma, Sis Mara, Ate Eloiski, Prof. Zapped, Ate Kengks

First Time Sa Tagtagan!

Posted in Tagseng-tagseng! na may mga marka on Agosto 29, 2008 by Miho the Explorer

May dalawang tag na pala aketch pero xempre uunahin ko muna ang nauna. Sabi nga nila, “First love never dies”. Ay mali, tungkol sa lab pala yun noh? Eto pala sabi nila, “First come, first serve” Oha? Diba? Anong sey mo? — quoted from Fafa Bear. So eto na ang first ever tag ng first ever tagger na tumagtag sa aking buong blog life… Tenkyu berimatshi sa aking idol blogger na si Aling Baby sa pag-tatagseng sa akin. At pasensya na po kung late ko na ito nasagutan :)

Follow the Instructions or else you will have 5 points deduction. Wah, parang exam? Joke!

Click copy/paste, type in your answers and tag four people in your lists! Don’t forget to change my answers to the questions with that of yours.

1. Four places I go over and over

  • Block 4 Lot 24, Tierra Nova Subdivision – Bahay ni Miho La Eksplorada
  • Bloomington Middle and Grade School - Susmaryosep! Siyempre responsibility ko yan as a student
  • SM Fairview – Malling. Oh yan ha, alam niyo na kung san madalas mag-explore si Miho
  • Prontera – Isang lungsod sa Ragnarok. Dyan madalas kami tambay ni Fafa Bear.

2. Four people who e-mails me regularly

  • Friendster – Mga kung anek-anek na notifications mula sa aking friendshies
  • WordPress – As usual, mga ukol sa aking blog
  • Tita Marvie – My favorite tita. Wah, may favoritism?
  • Spammers/Advertisements/False Notifications – Yung mga tipong hindi mo na babasahin kasi wala namang kwenta

3. Four of my favorite places to eat?

  • Sbarro - Pareho pala kami ni Prof. Zapped! Mahilig aketch sa pizza pero madalang lang ako pumunta dyan dahil malayo po ang SM North at MOA sa amin. Kawawang lakwatsera.
  • Yellow Cab – Pizza na naman? Favorite namin ni Fafa Bear. Asus, kakilig!
  • Pizza Hut – Walang kamatayang pizza. Dyan ako kumain ng kauna-unahang pizza ko nung bata pa aketch. Yan ang dahilan kung bakit adik ako sa pizza. Sisihin ang Pizza Hut!
  • Kenny Roger’s Roasters – Masarap ang pagkain. Bukod dun, memorable siyempre ang first meeting namin ni Fafa Bear.

4. Four places you’d rather be?

  • Bahay ni Fafa Bear – Siyempre para kasama ko siya. Labing-labing…
  • Paris, France – Dyan ko balak mag-celebrate ng aking 16th birthday, if possible. Pero okey lang, 2 years pa naman yan… Naadik lang kasi ako sa mga “Bonjour, Mademoiselle!” at kung anek-anek na salita nila. “Merci!” Pero dapat kasama parin si Fafa Bear~
  • Yokosuka, Japan – Namimiss ko na ang bahay nila tita dyan. Sana maka-visit ulet aketch!
  • Heaven – Wah. Wala lang… Masaya dun eh. Diba?

5. Four TV shows I could watch over and over.

  • Jet Groove – French cartoon po yan. Nacucutean lang aketch kahit di ko magets yung pinagsasabi nila dun.
  • Fruits Basket/Love Hina/Detective Conan – Favorite animes ko. Kahit paulit-ulitin ko, enjoy parin!
  • Pushing Daisies – Nakakatawa eh. Gwapo si Lee Pace. Kamukha ko daw yung leading lady dun?
  • Fashion Shows sa Fashion TV – Pangarap ko maging fashion model at fashion designer. Fashion critic rin aketch.

6. Four people I think (and hope) will respond.

  • EnmaFriend! Tumagtag ka na rin pag di ka busy ha?
  • Sis MaraKaririn mo na rin ang pagtagtag!
  • jOycEeTenkyu sa tag, eto naman ang exchange gift ko sayo.
  • Kuya MakoyDahil sa full of energy ka naman sa pag-inom ng Cobra Energy Drink at Kape bago matulog, sana’y ma-energize ka rin dito.

-

-

At ayan ang aking first time na ma-tag. Salamat ulit~

Ang Pagbabalik ni Miho La Eksplorada

Posted in Blogshkieness, Enumeration, Kachorvahan, Mga Anunsyo na may mga marka , on Agosto 29, 2008 by Miho the Explorer

Matagal-tagal rin akong nawala dito sa blogosphere. Almost 2 weeks nga ba? Ngunit ano nga ba ang tunay na dahilan kung bakit ako lumiban muna sa pag-ba-blog? Bakit nga ba ako absent ng 2 weeks sa deyker ni Prof. Zapped? Drop na kaya ako? Sana wag naman… Bakit hindi na ako nakapag-chika kay Aling Baby? Bakit di na ako nakakadalaw sa bahay ni Ate Kengks? At bakit di na ako nakakabisita sa inyong mga blogs? Manghula muna kayetch!

1. Dahil ba ito sa naging magulo ang aking mga Zombie Slaves kaya’t it took me 2 weeks just to discipline them?

2. Baka bumisita ang mga Martians dito sa Earth kaya’t nakipaglaban muna ang inyong minamahal na Eksplorada against them?

3. Baka naman naubusan ako ng pera kaka-Starbucks kaya naging pulubi muna ako for 2 weeks?

4. Ito ba’y dahil naligaw ako sa kaka-explore ko at ngaun lang ako nakauwi sa bahay?

5. O baka naman sadyang tinatamad lang ako mag-blog at nagbisi-bisihan kasama si Fafa Bear?

Ang kasagutan ay…

-

-

-

Wala sa mga iyon ang rason kung bakit ako nawalay sa inyo ng panandalian. Nagkasakit lamang ako (cancer? tuberculosis? diabetis? AIDS? hika?)… Ubo’t sipon lang naman. Wah, ang babaw naman ng rason. Pero higit sa lahat, naging busy ako sa studies dahil exams namin last week. Kaya ayon… Pero wag kayong mag-alala. Okey na ulit ako ngaun at ready na naman na gumala sa inyong mga blogs. Ready na rin ulit akong magkwento sa inyo ukol sa mga eventures sa aking buhay! At dahil na-miss ko ng lubusan ang pagba-blog, ipo-post ko na ang pinaka-aabangang Part 2 ng aking last entry na pinamagatang Paano Nga Ba Makatulog? At bukod pa doon, sasagutin ko narin ang mga TAGseng-TAGseng ninyo! Maraming salamat kila Aling Baby at jOycEe! Maraming salamat rin pala sa mga naka-miss sa akin kung meron man. Tenkyu berimatshi! O sige na, tama na itech.

At mula sa saglit na paglisan, eto na ang opisyal na pagbabalik ng batang-bata, ngunit hindi isip bata… ang nag-iisang batang gala’t lakwatsera… ang inyong kiddie meal dito sa blogospehere… Presenting, the one and only, Miho La Eksplorada! Wa, dami pa ka-ekekan eh noh?

Nyah... Balak na namang maglakwatsa~

Nyah... Balak na namang maglakwatsa~

Paano Nga Ba Makatulog?

Posted in Enumeration, Kachorvahan, Solusyon na may mga marka , , on Agosto 4, 2008 by Miho the Explorer

Matapos ang muling di-pagkakaintindihan namin ni Fafa Bear noong nakaraang Linggo ay agad rin itong nasolusyunan. Kaya lamang, alas-dose na ng hating-gabi ay hindi na naman ako makatulog. Kumbaga, bagong problema na naman!

Namana ko ata ang pagiging insomniac ng aking Mommy kaya’t mahirap na akong makatulog sa gabi paminsan-minsan. Noong araw na iyon ay nag-isip ako n mga paraan upang ako’y makatulog.

Paano ba matulog?

Paano ba matulog?

1. Kumanta ng lullaby. Naalala niyo pa ba noong kayo’y baby pa? Kadalasa’y ginagawa rin sa inyo ito ng inyong mga magulang diba? Inihehele kayo upang makatulog ng mahimbing.

  • ~* Well in my case, ang ginawa ko noong gabing iyon ay kumanta ako sa sarili ko ng ilan sa mga kantang pambata tulad ng Twinkle, Twinkle, Little Star; Alphabet Song (yung A-B-C-D-E-F-G…); at siyempre, yung paborito ni Barney, yung “I love you, you love me. We’re a happy family…” Para nga akong lukaret na bumalik sa pagkabata nun eh… Pero hindi parin ako nakatulog kaya’t nag-isip ako ng bagong gagawin.

2. Kumanta ng peyborit song. Minsan, kumakanta rin tayo ng ating mga favorite songs bilang pampatulog diba? Lalo na kung mahihilig kayo sa mga soft songs tulad ng mga kanta ni Norah Jones, at yung mga love songs. Lalo na’t kasabay pa nun ay biglang papasok sa inyong utak ang mga happy at sweet moments. Siguradong mapapahimbing kayo ng tulog!

  • ~* Sa version ko naman, medyo sawa na kasi ako sa mga peyburit sungsh ko tulad ng mga kanta ng Evanescence. Naisip ko namang kantahin ang Nymphetamine na awitin ng Cradle of Filth. Natigil ako ng ma-realize kong Anti-Christ pala yung kantang iyon. Ano ba yan! Imbis na makatulog eh nagsisisi pa ako kung bakit ko yan nakanta. Syempre with matching shock effect pa yun as in, “HUWAAAAT!!!”

3. Counting Sheeps. Sino sa inyo ang nagbibilang ng ano bang Tagalog ng sheep? tupa para makatulog? Ilang tupa ba ang nabibilang ninyo? Naaalala niyo pa ba yun pagka-gising? Anong itsura ng mga sheeps sa isip niyo? Sigurado ba kayong sheep lang ang binibilang niyo?

  • ~* Sa aking naman, ang ginawa ko nung gabing iyon ay kakaiba since hindi ko alam ang Tagalog ng sheep itsura ng sheep. Ahay! Nagmukha akong double tanga dito ah? Imbis na magbilang ng sheep ay nagawa kong bilangin ang mga pugot na ulo ni Keti, ang pusang kabit. Siyempre yung ulo  niya ay may dugu-dugo at medyo naaagnas na. Yon ang parusa sa pag-agaw niya sa ex kong itago nalang natin sa pangalang Hobski. At dahil sa bayolente ata masyado ang naisip ko, hindi parin ako nakatulog.

4. Mag-isip ng isang pangyayari. Usually, ang mga magagandang pangyayari sa ating buhay, kapag ating binalikan ng tanaw ay siguradong matutulungan tayong makatulog. Kasi diba, magiging masaya ka, lalo na kung ukol sa achievements, success, o lovelife ang naiisip mo. So, makakatulog ka nun ng mahimbing, dibersh?

  • ~* Pero kay Miho the Explorer, iba ang version ng nyora niyo! Dahil sa sanay ako sa pakikibaka at pakikipaglaban violence at gore, imbis na sweet and happy memories or scenes ang aking maisip o ma-imagine, ito’y isang malaking HINDI! Ang nasip ko ay… ready na ba kayo?…. Promise, ready na ah?… Yung may mga heart ailments, pwede niyo nang i-close ang window na ito… (ang arte ko naman!)… Pero, seriously… ready na ba kayo? … Ok… Ang imaginary event na naisip ko nun ay…

-

-

-

-

-

-

-

Ano kaya ang naisip ni Miho? Nakakatakot kaya to? Nakakasindak, parang Winterrowd? O sadyang kaartehan lang ito ni Miho? Makakatulog na kaya siya? Abangan sa Part 2 ng blog entry na ito! (Ahay! May bitin effect pa talaga!)

Protektado: Fafa Bear Exposed!

Posted in Kachorvahan, Kwentong Bear, Labing-labing na may mga marka on Hulyo 26, 2008 by Miho the Explorer

Protektado ng hudyat ang paskil na ito. Upang mabasa ito, ipasok ang iyong hudyat sa ibaba:


Weekday Madness

Posted in Eksplorasyon, Fashionista, Kachorvahan, Labing-labing na may mga marka , , , , , on Hulyo 26, 2008 by Miho the Explorer

Ahay! It’s a Friday night and I’m feeling alright! It is my, my, my, byutipul day. Start na ng isang mahaba-habang weekend sapagkat wala daw kaming pasok sa Lunes, dahil sa SONA ni PGMA. Meaning, may tatlong araw na naman si Miho La Eksplorada upang mamasyal, mag-explore, magpahinga, mag-blog, mag-libang, at magpakasaya bago tuluyang pumasok na naman sa isang nakakapagod na school week. Friday ngayon, so panahon na naman upang i-kwento sa inyo ang pangyayari sa aking buhay within this week. Blog ko to kaya’t isusulat ko dito ang kahit anong gusto ko. Kahit ang galit ko sa mundo. JOKE!

Monday – Nag-take ako ng Special Exams sa A.P.(Araling Panlipunan), Values Education, at Filipino sapagkat umabsent ako ng 1 week noong nakaraang linggo dahil sa ma-dramang buhay ko. Pero since okey na ang life ko dahil naka-seperate na ako sa mga klasmeyts ko na umabuso sa aking pagiging martyr kabaitan, back to school na talaga ang eksplorer niyo! Happy naman aketch sapagkat hindi naman masyadong mahihirap ang exams.

Tuesday – Absent. Magulo ang buhay. Insecure kasi sa isang tao. Muntik nang bitiwan ang pagmamahal sa aking Fafa Bear. Pero kinagabihan, okey na rin. Nagkaintindihan na. Suferdramush…

Wednesday – Absent. Napuyat sa kakaiyak. Nag-eksplor sa SM Fairview kasama ang aking Mommy. Nagpa-ayos ng buhok. Nagpagupit w/ hair treatment. Yung wax cellophane daw… At ito ang kinalabasan…

Bagong-gupit ang buhok. Censored kasi may pimples.

Bagong-gupit ang buhok. Censored kasi may pimples.

Oh debah mga ateng at koya? Dahil nais kong magpa-kulot, pumunta ako sa Going Straight sa SM noong Wednesday. Unfortunately, hindi daw pwedeng kulutin ang buhok ko sapagkat 1 year ago ay nagpa-straight ako. At… tulad nga ng sabi ni Ate Kengkay, kyut daw ang straight hair ko kesa sa kulot, at sabi nga rin ni Aling Baby na idol ko, mas bagay daw sakin ang straight at dapat daw ay i-maintain ko ang long, shiny, black hair na tulad daw ng sakanya… kaya’t hindi na lamang ako nagpa-kulot. At ayoko ring maging salot. Sabi kasi ng iba, kulot salot daw eh. Kaya naman, naisipan ko nalang na magpa-hair treatment dahil may mga tangles at split ends na ang heyrlaloo ko. Pero, dahil sa may kamahalan iyon, nagpagupit na muna ako ng buhok bago i-treatment upang mabawasan ang dapat bayaran. At yan ang resulta ng 2,000 pesos na pagpapaganda. Kaya nga lang, hindi na ako long hair… ano kaya ang mase-say ni Fafa Bear? Sana magandahan sakin.

Thursday – Second set ng Special Exams : English, MAPEH, at Chemistry. Buti naman at medyo okey rin ang mga exams. Wala namang nagpa-sakit ng aking ulo. Medyo masaya rin sapagkat nalaman ko na ako’y 65 over 70 sa A.P. exam na sinagutan ko noong Monday. Ang 65 over 70 na grade ay equivalent sa 96%! Sabi ni Ma’am ay ako daw ang nakakuha ng highest Mastery Test Grade sa A.P. kesa sa aking mga klasmeyts na handoon sa isang klasrum. (Sa Library na po ang classroom ko, para sa mga hindi nakaka-alam). Kinagabihan, nag-review ako para makakuha na naman ng high grades para sa exams kinabukasan. Matapos yun, nagulat ako ng tumawag si Fafa Bear sa bahay ng biglaan. Gulat ako, kala ko may problem. Nangangamusta lang pala, miss daw aketch. Nakakakilig…

Friday - Tinapos ko na ang last set of Special Exams at ito ay ang mga subject na Literature, Computer, at Math. Hindi naman masyadong nakakasindak ang mga exams kaya’t hindi naman sumakit ang aking utak. Umaasa akong matataas parin ang grades ko sa mga test na ito. Para naman kahit hindi na ako isasali sa Honor Roll at hindi ko na mapapangalagaan ang First Honor Rank ko, alam parin ng mga abusadong classmates ko na kaya ko parin mag-aral ng mabuti at napapag-sabay ko ang lablayp, blogging, pag-aaral, at siyempre, ang pagiging eksplorer :) .

So ayan po ang mga nangyari sa 5 weekdays… Abangan niyo nalang kung saan-saan na naman ako mag-eexplore sa weekends at kung sinetch-sinetch na naman ang aking makakasalamuha. Ngunit anu-ano nga ba ang gagawin ko sa 3-day weekend ko? Hmm… Malamang ay puro relaxation at pag-aadvance study para sa next week.

Pero marami akong namimiss ngayon tulad na lamang ng aking mga Guardian Angel besprens na sila Enma at Aya sapagkat medyo busy ata sila ngayon sa school. Para sa inyo na hindi nakaka-kilala sa kanila, hindi ko mailalagay ang pic ni Enma sapagkat baka ayaw nun. Si Aya naman ay nailagay ko na ang byutipul pic niya sa isa sa mga blog post ko. Halungkatin niyo nalang :) . Ngunit, nakakita ako ng isang magandang GIF na sa tingin ko’y kamukha naming tatlo. At ito yun…

Enma(left), Aya(center), Miho(right)

Enma(left), Aya(center), Miho(right)

Oh diba? Kahawig namin? :P

Ateng, Insekyur Po Aketch Sayo

Posted in Birit ni Miho, Kachorvahan, Solusyon, Suferdramush na may mga marka , on Hulyo 25, 2008 by Miho the Explorer

Para sa mga naka-basa ng mga nakaraan kong post na pinamagatang “Bata Ka Lang“, at “Mahirap, pero kailangan…“, wag na po kayong mag-aalala. Okey na po ako. Masyado lang akong naging ma-drama noon sapagkat magulo ang eshep ketch.

Well ang nais ko sanang isulat ngayon ay ukol sa insecurities. Ano nga ba ang totoong ibigsabihin ng salitang “insecurity”? May mga nagsasabing ang insecurity daw ay dulot ng inggit. So meaning, pag inggit ka sa isang tao, insecure ka sa kanya. May iba namang nagsasabi na kaya ka inggit sa isang tao ay dahil insecure ka. Watda… nakakaloka ah.

Insecure sa Sexy

Insecure sa Sexy

Pero according kay Lolo American Heritage [education.yahoo.com/reference/dictionary], ang meaning ng insecurity ay ang pagdududa or being doubtful. Maari rin itong tumukoy sa pagiging mapanganib or unsafe. At ito rin ay maaring tumukoy sa pagiging unfirm or unsteady. Pero ang nahanap kong meaning na talagang swak na swak sa ibigsabihin ng salitang “insecurity” para sa panahon ngayon, ay ang mababang self-confidence. Ibigsabihin, kapag insecure ka sa isang tao ay bumababa ang self-confidence mo. In short, sa tingin mo’y mas mataas na klase ng tao siya, or mas marami siyang talents kesa sayo. Kumbaga, pinaghalu-halong inggit, inis, lungkot, at hiya. Does it mean na mas malala ang pagiging insekyur kesa sa pagka-inggit?

Anu-ano nga ba ang nadudulot ng insekyuriti sa isang tao? Marami, napakarami. Kapag insecure ka sa ibang tao, maaring bumaba ang self-esteem mo at hindi ka nalang makipag-halubilo sa ibang tao sapagkat sa tingin mo’y wala kang kwenta. Magtatanong ka ngayon sa sarili mo kung bakit ba siya biniyayaan ng Diyos ng mga katangian na wala ka. It’s either magiging loner ka nalang, or gagawa ka ng paraan upang ma-i-put-down ang taong kina-iinsekyuran mo.

Ang magiging outcome ng pagiging insecure ay iba-iba rin, depende kung anong klaseng tao ka. Kung ika’y isang weak o emo-type na tao, maaring magalit ka sa sarili mo at isipin mong, “Bakit ba ganun siya, ako hindi?” Dyan ngayon papasok ang suicide kung sobra-sobra na ang pagka-insecure mo sa isang tao. Naranasan ko na yan pero naisip ko rin na useless yun. At, hindi ko naman kasalanan na maging “kulang”, samantalang yung kinaiinggitan ko naman ay “sobra”. Diba mga ateng at koya?

Kung ikaw naman ay isang palaban at high-spirited na tao, mas nakakatakot at wicked ang maaring kalabasan. Pwede mong siraan yung taong kinaiinggitan mo sa trabaho, o sa paaralan. Or worse, you might ruin the life of the “victim” completely. Oh debah? Nakakatakot! At siyempre kung may bad at may worse, meron tayong worst mga friends, sisters, at brothers… At ang pinaka-masamang maaring mangyari ay pwede mong i-torture yung taong yun, or… First Blood kapag nag God-like na ang iyong pagiging insecure. Lanya, bat napasok DOTA dito?

Pero hindi naman lahat ng mga taong na-iinsecure ay ganyan. Kung ika’y isang mabait at God-fearing na tao, maaring kalimutan mo nalang ang pagiging insecure mo at mag-focus nalang sa ibang bagay na magpapasaya at makakatulong sa’yo. Mas magandang gawin yun diba? Sana pala lahat ng mga tao, kahit naiinsecure, ganyan. Pero hindi eh… Hahays…

Insecurity = Envy

Insecurity = Envy

By the way, ang insecurity ay katumbas ng envy o pagka-inggit. At ang envy ay isa sa mga 7 Deadly Sins. Walangya, nakakatakot naman pala mainggit! Pero natural lang naman sa isang tao yun eh. Kasi nga iba-iba tayo. May mga bagay na wala ako, na meron siya. At siyempre, may mga bagay na meron siya na wala ako. Pero it doesn’t mean na kapag “kulang” ako, ay “sobra” siya. Hindi… Marami parin siyang “kakulangan”. At ang kailangan lang natin sa ating sarili ay ang acceptance upang maalis ang insecurity. Mahirap mag-acquire ng acceptance at first, kahit ako nga ata, hindi ko pa nakukuha yan eh. Pero, alam ko na soon enough, magkakaroon rin tayo niyan.

Yan lamang po, at maraming salamat sa pagbabasa :) .