Isinepara na Aketch!
Naku naman! Maraming salamat kay Lord na nagbigay sakin ng ganitong oportunidad! Marami pong salamat! Mahal na mahal ko po kayo!
At long last, I’M FREE! Hinding-hindi ko na makikita ang plastik na pagmumukersh nila, ang kanilang mahahabang nguso, at ang kanilang mga ngiting pilit lamang. Hinding-hindi ko narin maririnig ang kanilang mga bulungan, ang mga plano nila sa akin, at ang mga chorva ek-ek na chismisan nila about moi! At higit sa lahat, HINDING-HINDI KO NA SILA MAKAKASAMA SA AKING HAYSKUL LAYP!
Mula umpisa ng aking buhay mag-aaral ay pinupuntirya na nila ako. Kapag ako’y nakaharap sa kanila ay puro ngiti ang makikita ngunit pag ako’y tumalikod, mga backstabbers pala! Gurabush ang mga nakakalokang taong yun diba? Sino nga ba sila? Ah teka, teka… Hindi ko na iisa-isahin ang mga nakaka-iritang namesungs nila. Basta’t eto lang… Mga kaklase ko ang aking tinutukoy. Pero hindi lahat sila sapagkat may mga ilan-ilan parin sa kanilang may magandang asal.
Magsa-siyam na taon… Magsa-siyam na taon na akong nagpapakahirap na dedmahin nalang ang kanilang mga pang-aalipusta sa akin. Napakahirap iyon para sa akin na may emotional disorder. Pero kinaya ko dahil nais ko rin namang makatapos ng pag-aaral at pangalagaan ang aking pagiging Pers Onor. Diba? Pero sa siyam na taon na iyon, ni-wala akong makitang pagbabago sa kanila. Akala ko porket mga Highschool Students na kami ay magiging matured na ang kanilang pag-iisip. Hindi pala. Mali na naman aketch…
Hindi nga nila ako ma-bully physically sapagkat ang tuhod ko ay naoperahan at hindi pwedeng pakialaman, at syempre nakabantay lagi si BioNicMom sa ishkul kaya hindi nila ako masakal, masuntok, masipa, at kung anek-anek pa. Pero binu-bully naman nila ako emotionally. Mas masakit yun eh.
Wahahah! Miholetsness! Anung ka-chaka-han ang nagaganap sa skul neo… =)) Well, yaan mo yun, they just want nothing but FAME! — yan ang sabi ni Enma, isa sa aking mga besprens at itunuturing ko ring Guardian Angel.
Well, tama nga siya pero mahirap po kayang dedmahin ang mga taong araw-araw mong kasama sa iisang lugar, 8 hours a day, 5 days a week, and so on. Ano yun? Araw-araw mo nalang silang pakikisamahan pero sila hindi nakikisama sa iyo? And worst is… kahit anong gawin mo, hindi ka parin nila na-a-appreciate bilang klasmeyt. Andyan na yung bigyan mo sila ng papel, pahiramin ng bolpen, gawin lahat ng mga responsibilities pag may group project, hindi nalang isumbong sa titser kapag may nagawa silang kamalian, at iba pa. Lahat na ng form ng pakikisama, ginawa ko na. Pero bakit hindi parin sila nagbabago?
Dapat siya yung mag-adjust. Dapat wag na siyang maging sensitive. — sabi ng isa kong bully klasmeyt noong pinagalitan sila ng mga titser.
Ako? Ako pa ang mag-a-adjust? Eh kahit anong gawin ko, kung talagang ganito ako, hindi ako makakapag-adjust sa kanila. 9 years na akong nagsumikap na mag-adjust sa kanila pero wala parin talaga eh. Meaning, nasa kanila na yung problema. Sila nga ang dapat mad adjust kasi sila naman yung nang-iinis eh. Tsaka so what kung sensitive ako, diba? Eh kahit sinong tao ang puntiryahin nila, hindi man sensitive, eh baka masuntok sila dahil sa pang-aabuso nila. Buti nalang I’m somewhat physically disabled kaya hindi ko sila masuntok. Diba?
Ngunit ano nga ba ang dahilan kung bakit ako nag-give-up suddenly after 9 years of making tiis-tiis with the stupid attitudes of some of my klasmeyts? Simple. Yung latest plan nila sa akin. Sigurado akong hindi niyo pa kilala sila Neko Mimi and the rest of the Sin Girls? Pati narin si Xo Lee at si Alien ? Well malalaman ninyong lahat yan kapag na-i-publish ko na dito sa web ang sequel ng aking nobelang Miho the Explorer. Doon niyo narin malalaman kung ano yung “latest plan” nila. Bigyan ko narin kayo ng spoiler : tungkol sa lablayp ko, kaya medyo masakit. Anyway, don’t worry, hindi naman kami nag-break ni Fafa Bear.
The good news is, isineperate na ako from those stupid humans! So dun nalang ako nag-stay sa library at yung mga subject teachers ko ang pumupunta doon upang ibigay ang lesson at i-discuss saglit. Sabi nga ng ilang teachers, “Asus! Kahit ibigay mo nalang kay ‘Miho’ ang lesson plan mo at hindi mo na i-discuss ay ma-iintindihan naman niya yan eh. Hindi naman siya slow learner.” Salamat po Ma’am/Sir!
Masayang-masaya ako dahil hindi ko na sila makakausap. Pero may mga issues daw na nagsasabing pinadadalan ko daw ng text messages si Neko Mimi at sinisiraan ko siya. What? Eh ako na nga yung umiwas sa gulo eh! Tsaka hindi naman ako yung ganung klaseng tao na nag-pa-plot ng vengeance against my enemies. I was once like that, pero ngayon, dahil kay Enma, we both learned that Vengeance is Futile. Ahay! Kahit anong isyu pa yan, tatahimik nalang ako.
May isa pa palang isyu na recently lang umusbong. Paano na daw yung First Honor Rank ko? Maagaw na daw ni Alicia Kiss! Eto ang answerment ko dyan! “Ok lang sa akin kahit nasa kanya na ang First Honor Rank ko. Ayaw ba niya nun? Masaya na siya, dahil hindi na siya magpapakahirap makuha ang aking rank kasi wala na siyang kakumpitensya. Masaya na rin ako, kasi wala na sila sa buhay ko.” Tama ba aketch? Tsaka hindi naman siya magiging pers onor kung may grade siya below 85 eh. Kaya goodluck nalang sa kanya at congrats kung magiging pers onor nga siya. Eto pa, this year lang naman ako mag-se-seperate studying churvaloo whatever kung ano man yung tawag dun eh! Tas mag-stop ako ng 1 year para maka-graduate na sila tapos after nun, tsaka na ako mag fourth year hayskul ng normal. So, may chance parin na ako ang maging Valedictorian sa pagtatapos ko ng Highschool. Tsaka khit hindi naman ako maging pers onor na, ok lang sakin. Sabi nga nila, “Give chance to others”.
Sige, babayu na! Kakainersh muna aketch ng mga Zombie Slaves ko!


