Ang Kulot, Salot!
Ahay! Ewan ko ba! Naiisip kong magpakulot pero as usual, hindi ko magawa sapagkat wala pang datung! Sheguro by next week, magagawersh ko na! Ngunit sa dinami-daming uri ng kulot na buhokersh, alin kaya ang pipiliin ko? Hmm…
Paano kaya kung ito? Para naman maging kamukha ko na si idol na Catherine Zeta-Jones! Pero kung ganyan ang klase ng buhok ko eh parang magiging brittle at mas lalong magiging buhol-buhol ang aking long heyr. At isa pa, mawawala ang byutipul bangs ko. Ahaynessh! Nakakahiya naman yun diba? Eh sa tingin ko, mukha akong monay without the bangs! Tsktsktsk… Reject! Pili tayo ng iba.
Ayan fafa! Mukhang maganda ha? May bangs na nga, medyo kulot pa! Pero para sa akin mukhang kulang sa pagka-curl eh. Kumbaga, hindi masyadong nilagyan ng effort! Chaka naman kung ganun diba? Dapat yung medyo may pagka-Hollywood effect, para mas lalong ma-inlab si Fafa Bear sakin para mas maganda! So this one’s another… Reject! Sige, let’s proceed to the next hairstyle…
Ay mga sistahs! Eto ang usong-uso ngayon sa mga dalaginding na katulad ko! Ang walang kamatayang side bangs! (Kaya naman pa-slant rin yung sulat ko, diba? Ahahaha) Pero for me, that’s a big NO-NO! Una, dahil hindi ako sumusunod sa trend. Pangalawa, hindi po ako fan ng Emo Fashion Style. At higit sa lahat, ayokong gumaya sa style ng buhok ni Alicia Kiss. (Oo, yung isa sa Sin Girls sa terdyir) In short, Reject parin itech! Oh dali, isa pang pic!
Waaaaaaaaaaaaa! Nako naman… Muntik na ako mahulog sa upuan ko nung tumambad yang pic na yan habang naghahanap ako ng Hairstyles sa net! Okey sana ang kanyang wanderpul curls pero… sobrang haba ng kanyang front bangs! Yung kulang nalang eh mabulag na siya sa kahaver-haver na bangskie niya! Masakit yan sa mata, sister. So… Isa ka paring reject! Oh, eto ah.. last na.
Ayan! Hindi gaanong makapal ang bangs, hindi sobrang habersh, maganda ang color, at sa tingin ko’y babagay sakin! Medyo palitan ko nalang siguro instead of shoulder-length to below-breast-length since sanay ako na mahaba ang heyr ko. Oh debah? Siguro, eto na nga ang perfect hairstyle para sa akin! Woah!
Buti naman at nakapag-pasya na ako kung paanong kulot ang gagawin ko sa aking hairlaloo. Kasi, ayaw ko namang pumunta sa salon ng hindi ko ma-explain sa chorvang hairstyler ang nais kong ipagawa sa hair ko. Nangyari na kasi yan dati eh, nagsisisi na ako ngayon. Gusto ko lang kasing pagupitan ang bangs ko noon na kamuntikan na akong mabulag sa sobrang haba pero anong ginawa sa bangs ko? Ninipisan! Yak! Hende bagey sakin yung ganonersh! Kaya tuloy, lagi akong nagka-cap noon upang itago ang pagkakamali ng chorvang baklitang nag-gupit sakin. Grrr! Naiirita ako nung mga sandaling yon!
Pero parang ayokong iwan ang aking straight hair. Mas madali kasing suklayin ito kesa sa curlaloosh. Tapos, sa tingin ko mas appealing sa mga boylets kay Fafa Bear ang babaeng seksi at straight ang hair. Yung pagdating sa seksi, neks taym ko nalang gagawan ng paraan para maalis ang mga bebe pats ko. Well, ewan ko rin. Siguro itatanong ko nalang sa kanya noh? Sa tingin niyo ha? Straight ba or kulot? By the way, i-compare niyo nalang ang two pics ko na ito.
Alin ba ang mas bagay? Alin ang mas attractive? Alin ang mas keri ko? At alin ang siguradong magpapatalbog sa mga babaeng kumakarengkeng nagtatangkang mang-agaw sa Fafa Bear ko?







Hulyo 17, 2008 Sa 11:08 hapon
ay wag ka magpakulot, mas kyut na yang hair mo ngayon. welcome sa WPP!
—
Miho : Ganun po? Cute ba? Ahahaha… Maraming salamat sa pag-welcome at pagbisita ate kengks!
Hulyo 18, 2008 Sa 6:52 hapon
mas bagay sayo ang straight girl. Wag ka na magpakulot. Maintain your long shiny black hair lyk mine hehehe..
salamat sa pagbisit ha! i added you up na rin.
—
Miho : Aling Baby!!! Salamat sa pag-visit po! You’re welcome po~ Waw, salamat po. Sige d na me papa-curlaloo. Ahahaha long shiny black hair lalo na with CLEAR (ay! nag-endorse?)