Certified Inggitera
Ngayon ko lang nalaman, hindi lang pala ang mga former klasmeyts ko ang mga inggitero at inggitera. Kahit ako, marami rin palang kinai-inggitan.
Lahat tayo’y hindi perpekto. Lahat may mga pagkukulang. Maari man itong pisikal, emosyonal, mental, sikolohikal, o kung anek-anek pang aspeto ng ating buhay. Kaya naman, hindi natin mapigilang mainggit sa ibang tao, mapa-artista, kaibigan, kaaway, politiko, at kahit ang mga bagay na bunga lamang ng ating imahinasyon. Say for instance, ang kagandahan ng mga fairies, ang kapangyarihan ni Harry Potter, you get the point right?
At sa lagi-lagi kong sasabihin, isa akong open na tao. Okey lang sa akin na ipahayag ang aking mga damdamin sa buong mundo, o kahit lamang dito sa bansang Pilipinas. Kaya, nais ko sanang i-share sa inyo ang mga tao na aking kina-i-inggitan.
Kung sa mga celebrities ang pinag-uusapan, hindi ko ikakailang hinahangaan ko si Amy Lee. At inggit rin talaga ako sa kanya. May mga nagsasabing medyo kahawig ko daw siya. Pero ewan ko, baka bulag lang yung mga yun. Sino nga ba naman ang hindi mai-inggit sa isang babaeng maganda, magaling kumanta, at higit sa lahat, sikat na sikat ebriwer in da world! Hindi lang yan, ang taas ng boses niya evurr! Kaya naman, super-duper-as in inggitersh ako sa kanyang magandang peys, talents, at fame! How I wish I can be like her!
Kung anime characters naman, talagang lab na lab ko si Yuna! At siyempre inggit rin ako. Ikaw ba naman ang maging isang magandang babae, seksi, singer, warrior, at kung anek-anek pa eh makokonsider mo na ang sarili mo as “perfect”. Yun nga lang, hindi wagi ang lablayp niya. Sana fala kasing seksi niya aketch, eh di sana wagi rin aketch dibersh mga sistah? Tas kakantahan ko nalang si Fafa Bear ng “1000 Words” na parang theme song na naming mag-lovers eh siguradong talbog na ang other girls dyan na naghahabol sa aking boyplend! At siyempre, hindi ko na kailangang mag-suot ng seksi awtpit at mag-strip dance para lang ma-attract si Fafa Bear. <<< Wag niyo akong isumbong sa kanya, hahaha!
Sa video game characters, si Sun Xiang Shang a.k.a. Lady Sun naman ang aking idol! At isa parin sa aking mga kina-i-inggitan. Bakit? Kasi, noon pa man, nais ko na ang maging isang warrior. Eh tapos, isa pa siyang princess! Tulad ni Yuna, maganda, seksi, wanderpul, byutipul, lababul, at talented pa! Magaling rin siyang sumayaw! Pero, sabi nga nila, kahit ang mga anime ay hindi perpek. Akalain mong nag-suicide siya nung na-deds ang labilab niya na si Liu Bei dahil sa isang war? Ahays! Pero siyempre, para sakin ay mas nakakalamang si Lady Sun kesa sa batang nagsusulat nito akin.
Pero hindi lang iyon… Ito ang isang babaeng kina-i-inggitan ko talaga… as in… to the next level na itech! At siya si…
Isang magandang dalaga na ala-Mutya ng Pasig ang aking beloved bespren at Guardian Angel. At inaamin kong 100% inggit ako sa kanya. Gurabush ang babaeng itech! Maganda na, talented pa, at isang genius! Hindi lang iyon… Mas matatag siya sakin sa pagharap ng mga problema sa buhay niya, at mas madali siyang nag-mature kesa sa akin. Kumbaga, waging-wagi na talaga siya sa buhay! Kulang nalang siguro eh maka-graduate siya ng college tas buhay wanderpul na siya! Sikat na sikat siya sa internet. I-search niyo lang ang pangalang Aya Kohi ay makikita niyo na ang deviantart niya, website niya, at kung anek-anek pa na produkto ng kanyang pagiging creative. Sa sobrang sikat niya, minsan ay naiisip kong sana… ako nalang siya.
Lahat naman kasi ginagawa ko para maging kasing-sikat niya eh. Handoon yung gumawa rin ako ng website, gumawa ng deviantart, nag-blog, nagprenster, at mga whatever churvaloo ek-ek na yan… pero I really can’t match her creativity. Hanggang mga kanta, tula, at nobela nalang ako, hindi tulad niya, ultimo pagdo-drawing ay kinakarir. Minsan tuloy naiisip ko, loser ako.
Pero let’s face reality. Lahat tayo ay may mga kapintasan. Hindi pwedeng makuha natin lahat ng mga gusto natin para sa ating sarili at sa ating buhay diba? Hindi naman masamang mangarap since libre ito. Pero, kung patuloy lang tayong mangangarap… aasa tayo. Aasa tayo sa wala. Masakit mang isipin, kailangan nating tanggapin. Kasi this is our fate. We can’t be perfect kahit gaano natin sikaping maging perpekto sa mata ng iba. I think we should learn how to be contented with what we have. Alam kong ito ang gusto ni God para sa atin. Kahit mahirap, kahit papaano, sana makuntento tayo. Kahit sobrang hirap…
Hindi ko ito sinasabi para mag-sermon sa iba, kasi alam kong kahit ako sa sarili ko ay maraming kina-i-inggitan (as stated above). Pero nais ko lang magbigay ng tips, tsaka ito narin ang isang way para matanggap ko na hindi tayo nasa Dreamworld na pwede nating magawa lahat, makita lahat, makasama lahat, at maging kung anuman ang nais natin. We are in the real world.
Sana pala kasing-ganda ako ni Aya, kasing-tatag ni sis Gesie, kasing-talino ni Mama Sakura, kasing-sexy ni Ate Amor, at kasing-bait ni Mamhie Florence. Siguro kung lahat ng mga piling-katangian nila ay napunta sakin, hindi ka magdadalawang-isip na mahalin ako, at hinding-hindi mo maiisip na iwanan ako. — one of my quotable quotes.




