Payat vs. Mataba
Matagal nang usapan sa ating mundo ang physical figure ng mga kababaihan. Malamang eh panahon pa ng mga Java Man at Peking Man ay pinag-uusapan na kung alin ang mas ma-appeal, ang mga slim o ang mga tabachingching? Ayon sa maglalabing-apat kong taon ng pag-apak at pamumuhay dito sa mundong Earth, napagmasid-masid ko na mas kapansin-pansin ang mga payat na babae para sa mga boylets. Kung mataba naman si ateng, siguradong siksikan ng pang-aalipusta at pang-aasar ang matatanggap niya mula sa mga makaka-salubong. Tignan nga natin kung sino ang mas matimbang, ang mga payat na byutipul gerlsh o ang matatabang ms. byutipul? Malamang mas matimbang ang matataba, kasi mataba nga sila eh.
Kung sa pagiging outgoing ang usapan, mas matimbang si ate Slim kesa kay ate Tabachingching. Bakit? Simple ang eksplanasyon! Dahil sa mas magaan ang katawan ng mga payat na babae, syemperds at intyendes naman na mas madali ang pagdadala nila ng kanilang katawan compared to fat women. Eh kung si ate Mataba ang magiging lakwatsadora, mas mabilis siyang mapapagod dahil hindi niya keri ang paglakad ng mahaba-habang journey. So, 1 point para kay slim gurl.
Kung sa sports at gymnastics ang topic, siyempre wagi na naman si Payatola! Dahil nga sa kanyang light body, mas active siya sa mga ganyang bagay. Imaginin mo nalang ang isang tabachoy na nag-gy-gymnastics… Kaya kaya niya magpalambi-lambitin, tumambling, mag-bending, at kung anek-anek pa ng mabilisan? Eh nung ako nga’y musmos pa at medyo may katabaan ay nasa line of 85-87 lamang ang greyd ko sa P.E. kaya’t ako’y medyo nag-diet upang hindi maka-apekto ang aking body figure sa aking grades! Eto pa ang isa… Kaya ba ni ate tabadabadoo ang magtatalon sa obstacles at tumakbo ng 1km lalo na kung may time limit? Ibigsabihin, isang puntos na naman para kay payatersh!
Kung love, sex at relationship naman, sa tingin ko’y pantay lang sila. Bakit kamo? Kung sa side ni tabachingching ang pupunahin natin, may mga guys na gusto sila kasi malaman huggable daw. Oh debah? Minsan nga eh ikinukumpara pa nila ito sa unan, kama, upuan, at kung anu-anong chorvaloo pa na makapal. Pero ang good side naman dun, mas comfortable daw kasama ang matataba kasi nga, mas masarap yakap-yakapin! Kaya lamang, dahil mabigat si ms. tabachoy, masakit sa legs ni boyplend kung minsan ay uupo siya doon upang maglambing diba? Tapos pano na yan sa kasalan, lalo pa kung isang palito ang kanyang magiging mister? Eh di si Misis Fats pa ang kakarga kay Mister walking stick?
Sa side naman ni ate payatersh, hindi sila huggable sapagkat medyo mabuto ang iyong makakapa sa may likod kung sila’y yayakapin mo. Pero wag ka mader! Dahil sa lightweight si payatersh, mas madali siyang makakalambing kay labidabs in any form, in any way! Maari siyang umupo sa lap ni lablayp o magpabuhat without making her boylet saying “Ouch! Ang bigat mo sweetheart!”. Oh nakakahiya naman yun diba? So one point for tabadabadoo and payatola.
Kung sa fashion naman, mas madaling sumukat ng mga clothesture (pinagsamang clothes at couture) ang mga slim kesa sa mga chubby. Siyempre noh, mas tipid na nga sa tela, mas nakakatipid ka pa sa datung! Tas eto pa ha… Usually, sa mga stores, ang mga naka-display dun ay mga sizes na small at medium. Eh di magpapakuha ka pa ng size mo kung X, XL, or XXL ka pa! Gurabush naman yan, mas nakaka-consume ng time! Well kung ika’y impatient, punta ka nalang sa mga shops na nagbebenta ng mga damit na exclusively made for chubby ladies! Anader punto para kay slimmy chic.
Kung sexyness ang thaphik, Libra sila! (meaning, pantay lang.) Hindi naman porket payatola na si sister eh automatically, sexy na siya. Hindi tama yung ganoong persepsyon ng ibang tao. May mga payatot na butu-buto na at akala mo eh may sakit na sa lungs lalo pa kung umuubo. So, turn off yun diba? At sa panahon ngayon, may mga chubby girls na na sumisikat as sexy stars. Take for example Erah Madrigal, Ara Mina, Ella V. Oh diba ateng? Pero siyempre sikat parin sila Marianne Rivera, Katrina Halili, Iwa Moto, na mga pawang payat na sexy gals. Meaning, tig-isang puntos parin ang ibibigay ko for both parties!
Pero may mga ibang aspetong hindi nakikita at napag-uusapan ng iba. Tulad na lamang sa pagsu-swimming. Oo nga naman, mas kaaya-aya mag bitch beach watch ng mga payatot na seksi diba? Pero mas madali silang malunod lalo na kung aanga-anga at takot yung iba sa tubig. Tulad na lamang ng isang babaeng itatago natin sa pangalang Neko Mimi. Takot sa tubig pero gusto magswimming para lamang ipakita ang kanyang sexy body (daw). Eh kung sa matataba, hindi na nila kelangan ng salbabida! Kering-keri na nilang i-kembot ang waves sa beach without making lunod-lunod and asking a lifeguard to save her life! Oh diba… May praktikaliti rin pala ang mga chubbyness!
Isa pa. Kapag payat ka, sabi nila, madali ka daw matumba at isang ihip lamang ng hangin ay awt op balans ka na. Paano pa kaya kung nakikipag-away ka? Dahil sa payat ka, isang suntok lamang sayo ng isang bardagul na tao eh tambak ka na. Kung mataba ka naman, kaya mo pang makipag-wresting, lalo na kung sumo! May laban ka ateng, fight fight fight!
Eto, biru-biruan lang ha? Para sa akin, mas matimbang ang mga matataba kesa sa mga payatot due to one reason. Kung ang mga tao, lalo na ang mga kalalakihan, ay mas kinakampihan ang mga Sexbomb kesa kay Tessbomb, ano naman diba? 90 million lang ang tao sa buong unibers. Kamusta naman ang mga parasites, sharks, at cannibals ha? Sa tingin ninyo, sino ang mas papaboran? Si Fattie, or si Slimmy? Hahays! Syempre si Fatty sapagkat marami silang makukuhang nutrients mula sa kanila! Ang korni ko, diba?
Pero reality check… Kahit ano pa ang iyong body figure. Palita, Super Payat, Slim, Sexy, Chubby, Super Tabachoy, o Dambuhala man… isa lang ang pagkakapare-parehas ninyo… Tao parin kayo. Nilalang ni God, panandalian ang buhay na hiram, nakatungtong sa mundong-ibabaw. Tao parin tayong lahat. Kaya sana naman… Panawagan ko lang… Lalo na sa mga lalaking mapili dyan. (Matamaan, pasensya na.) Mataba man o payat, dapat hindi masyadong pahalagahan ang pisikal na aspeto ng isang babae. Mahalin niyo sana kami dahil sa aming personalidad, hindi dahil sa aming figure.
Nananawagan ang isang batang manunulat sa inyo. Sana’y pakinggan. Naawa narin kasi ako sa mga babaeng tabachingching na low ang lovelife kasi nirereject sila ng mga fafables. Pati narin yung mga payatola na inaasar naman na “walking bamboo stick” daw. Masakit po yun, mga ateng at kuyersh. Masakit…


Hulyo 18, 2008 Sa 11:21 hapon
I stand here for justice… ECHOS!
BWAHAHAH! Alam mo ba ung quote na yan pag alang echos, ayan ung quote ni Light Yagami at L Lawliet sa detnoit!
—
Miho : Ahay Enma! Napadalaw ka sa bloggie ko! Salamat… Wahahaha quote mo pala yan eh. Go Layto! Anyweiz, baidaweiz, two-weiz, one-weiz, nais ko sanang i-endorse ang blog mo, friend. Kaya mga readers, punta kayo dito >>> — Enk! — Yan ang blogshie ni friend kong Enma-ersh!
Hulyo 22, 2008 Sa 12:08 umaga
ah basta ako, sa dami ng bilbil kong naipon nung bumisita ako sa pinas — foxy pa rin ang feeling ko, hahaha. asa nagdadala yan atsaka if you know what you are, payat man o tabachinching, keri na rin!
—
Miho : Ay nako po ate kengks, naniniwala po akong seksi ka at yung mga bilbil mo man po ay keri mo namang dalin diba? Kering-keri! Tama ka dyan! Agree ako sayo ate kengks! Isa kang confident lady!