Ka-BLOG!
Naman-naman! Apat na araw palang akong nag-e-exist dito sa blogosphere eh marami na ang nangyari! Kakaiba talaga ang bilis ng mga eventures(pinagsamang events at adventures) sa mundo ng world wide web! Nung mga panahon ng aking kamusmusan at una akong napadpad sa mundo ng blogging, usad-pagong ang pagtaas ng aking hits pero ngayon mga mader, pader, sister, brader, ateng, koya, ineng, totoy, at ebriwan… tignan niyo naman!
Eto para sa mas malapitang kuha…
Hirit # 1 : Ang Hits ni Miho : Naka-41 hits agad ako since July 15, 2008? Meaning, apat na araw pa lamang ang nakakaraan? Okey, okey… Alam kong parang maliit na bilang lamang yan kung ikukumpara sa ibang bloggers na sikat at pawang mga idolo ko. Pero ngayon lang talaga ako naka-kuha ng ganyang kababa kataas na hits since birth! Pero kung ikukumpara sa susunod nating pag-uusapan, kaunti parin ang mga taong bumibisita sa aking blog. Bakit kamo?
Hirit # 2 : Ang Blog ni Enmara : Kahapon ay i-kinwento ko sa aking bespren at Guardian Angel na si Enmara ang aking blog. Kinwento ko rin na mas masaya ako ngayon sa pagiging blogger kesa noong ako’y musmos na neneng pa lamang na halos mga kaklase ko lang ang nagbabasa ng aking mahiwagang diarya sa internet. Napag-isip-isip ko rin na mas malago ang buhay ko bilang isang blogger ngayon kaysa naman noong ako’y gumawa ng isang nobela na pawang mga friends and enemies ko lang ang nakabasa. Kaunting parangal, at puro bayolenteng reaksyon pa ang aking mga nakuha dahil sa nobelang iyon. At ito ang naging usapan namin mula sa Yahoo Messenger…
Enmara : hanap ako bloggies
Miho : eto blog ko http://miholaeksplorada.wordpress.com
Enma : PANO GUMAWA NG WORDPRESS?
Miho : http://wordpress.com wanderpul!
Miho : tas sali ka rin dito pag may blog ka na at may post ka na na byutipul ha?
Miho: http://www.wp-pinoys.com
Enmara : wahh! ndi ko magets ung wordpress eh
Miho : bateeeeet?
Enmara : magulersh sya, kelangan ng more concentration … san mu inapload?
Miho : wordpress prin
Enmara : kay wordpress mu inaplod?
Miho : inaplod ang?
Enmara : ung payls
Miho : payls? anong payls? ung pektyur?
Enmara : no…ung pages
Miho : dun prin… ggwa ka ng peyds
Enmara : ok … try ko n lng talaga aketch
Miho : okei
Nag-paalam na kami sa isa’t-isa noon sapagkat oras na upang matulog. Pero kinabukasan…
Enmara : wahahah! may wurdpris na ko.
Enmara : pero
Miho : waw
Enmara : wa pa laman
Miho : lagyan mo pag may time
Enmara : uu….
Enmara : http://mybookofthedead.wordpress.com/
Miho : waw ang ganda
Enmara : hehe…. kagabush ku gawush yan eh
Ahahay! Napakasaya nga naman noh? May wordpress bloggie na ang aking prend na si Enmara! Berry good! Berry wanderpul! At pagkatapos niya gumawa ng mga humworks at asaynmints, gumawa na siya ng blog entries na nakaka-aliw! Tignan niyo na lamang po doon sa kanyang naturang blog. Pero, ang higit na nakapag-pagulat sa akin ay ang litratong ito…
Hirit # 3 : Ang Hits ni Enmara : Anak ng shark’s tale! Talagang kakaiba itong aking prend na si Enmara ha? One day pa lamang siya nagba-blog, walumpong tao na ang napatay niya bumisita sa kanyang “book of the dead”. Ahahahaha! Talo na naman aketch. But it’s just a friendly competition, tama ba? Anyweyz, baidaweiz, hindi lang yan ang mga news ko sa inyo… Eto pa!
Hirit # 4 : Busy-busyhan : Kagabi’y busyng-busy ako sa kakagawa ng blog posts at siyempre noh, sa pagpapalawig ng aking blog sa madlang publiko. Kaya lamang, may hindi nasiyahan… Kausap ko kasi si Fafa Bear sa YM noong mga sandaling iyon habang ako’y gumagawa ng blog post at siyempre, kausap ko rin si Enmara. Sabi ko’y, “Wait lang Coffee ha? Busy mode muna aketch.”, reply naman niya ay, “K”. Habang patuloy parin ako sa pag-ta-type at pag-iisip ng mga ilalagay na ka-chorvahan dito, hindi ko namalayang mag-aalas-onse na ng gabi! Watdahollymolly! Bigla tuloy nag-pm si Fafa Bear at sinabing, “Sleep na me, sugar.” Aba’y teka! Palagian namang ako ang mas nauunang matulog kesa sa kanya. Hmm… baka may appointment siya bukas? Oh well, Sadako’s well, wala akong magagawa kaya’t nagpaalam narin ako with matching kiss emoticon. Ahay! Kawawa naman si Fafa Bear, galit ata sa akin sa sobrang kabusy-han. Sorry berry matshi ha? Labyu~!!
Nyay! Madami palang naidudulot na eventures talaga ang mundo ng blogging noh? Buti na lamang ay hindi ako nag-iisa at andyan si Enmara at ang mga bago kong WPP Friendshies upang pakiramayan ako sa maganda, magulersh, busy, at eklavush na mundo ng blogosphere.
Fafa Bear : Saan ba yang blog na yan? Sa FS? | Miho : Hindi, sa WordPress | Fafa Bear : Nagpe-press ba ung word? | Miho : Waaa! Patawa ka! Btw, may blog na rin si Enmara! | Fafa Bear : Ahhh.. Balibagan kayo ng Blog? — Ahay, mukhang nagseselos ata si Fafa Bear sa aking Blog. Don’t worry Fafa Bear, ikaw ang lab ko. Hahahaha…



Hulyo 19, 2008 Sa 6:35 hapon
wahahaha! =) nays naman yang bluggeh! yaan mo… dadami rin ang kills este hits mo!
—
Miho : Wahahaha Enma-ersh! Hitsiritsit alibangbang… aabangan ko nalang kung sakaling dumamersh xD. Salamat sa pagbisita. Balika ka ulet!
Hulyo 19, 2008 Sa 6:43 hapon
wahahaha! balik ka rin ulet ah! bwahaha!
—
Miho : Nakabalik ka agad? Ahahaha… bumalik na rin me sa bloggie mo, friend!
Hulyo 19, 2008 Sa 7:26 hapon
hala, eto pang isang hit
—
Miho : Waaa! Maraming salamat po ate kengks! Balik po ulit kayo ha? Tenkyu tenkyu po!
Hulyo 20, 2008 Sa 1:20 umaga
at isa pang hit.
—
Miho : Maraming salamat po sa pagbisita! Balik-balik lang po kayo rito~
Hulyo 20, 2008 Sa 1:35 umaga
Kamusta ka naman? Sa wakas nabisita ko na ang bahay mo. Naaalala ko pa nung bago pa lang ako d2 sa WP… matagal na rin… mga almost 1 week na. hehehehhe! Well, im happy for you dahil sa dami nakiki explore sayo. Isa na ako dun… heheh. tignan lng natin anong Laban ni Dora D Explorer sayo pagnagkataon… Teka,may backpack ka rin ba gaya nya? Kasi inenroll na rin kita sa iskul ko at isa ka na sa mga skolar pupils! (check my link, nkapasa ka!)Lagi ka papasok sa skul para hindi ka mahuli sa mga lessons ah? Salamat pala sa comment mo. Go FortH, hija. Its ur time to shine! hehehe…
—
Miho : Mabuti naman po ako kuya zapped. Salamat sa pagbisita sa aking munting bahay-bahayan. Ahahaha… salamat po sa pagiging one of my explorers
Naku wala sigurong laban yung negrang si Dora sa akin (wah? nagmayabang? ahaha joke lng po) kasi wala naman siyang blog eh… kung sakaling meron, baka mag-compete kami
Sayang, wala po akong backpack pero meron akong shoulder bag na may lamang mga kung anek-anek na kelangan sa eksploreysyons ko. Wow! Maraming salamat po sa pagsali sa akin sa skul mo. Opo, hinding-hindi ako aabsent!
Regards rin pala kay Buffy (wahehehehe) Maraming salamat po ulet!
Hulyo 20, 2008 Sa 4:59 hapon
huwaw congrats! ilang hits din tong dala ko ehehehe, tinalon-talon ko rin ung ibang entry mo, dami na pala. sensya na indi makadalaw ng madalas kasi medyo busy.
keep blogging!
—
Okey lang po yun. Dalaw ka lang po paminsan-minsan pag bored
Opo salamat po! Balik po kau ulet.
Miho : Salamat po talaga aling baby! Ahahaha talon-talon ng entry
Hulyo 20, 2008 Sa 9:29 hapon
ito sampong hits mula saken..ahahaha…
isa lang naman na hits to..pero isipin mo nalang sampo…okies?
ahaha..pa buger ka naman..lols…
—
Miho : Nyahahaha kuya Maldito! Tenkyu berrymatsh sa pagdalaw nio po! Kahit isa lang po yan, iisipin ko pong parang 1milyon! Maraming salamat po. Burger burger burger! Hahanap po ako ng pala-burger-an dito sa blogosphere para ma-treat ko kaung lahat. Meron po ba kaung alam na ganun?
Hulyo 21, 2008 Sa 1:54 umaga
bwakanang! welcum!
parehas pa taung xplorer ganun?!
hehehehe enjoy and again welcum to the family
asust!
—
Salamat salamat, balik po kau ulet…
Miho : Salamat po! Ahahaha explorers tau kuya, ayaw mo nun?
Hulyo 21, 2008 Sa 1:05 hapon
enjoy lang sa pagba-blog. pero payo ko sa iyo, nakakasira rin to ng love life. tingnan mo yang si maldits. bwehehehe!
—
Miho : Tama po kau dyan! Enshoy enshoy! Ahahahaha… opo. Salamat sa inyong payo at pagbisita. Awww, ano pong nangyari kay kuya maldito?
Hulyo 21, 2008 Sa 5:07 hapon
hhhhhhmmmmm… kyut. wag kang mag-alala aaraw-arawin ko ang pagbisita. hehehehe!
—
Tenkyu po! Bisita lang kau dito pag wala kau mgawa. Nice meeting you po.
Miho : Kyut po ba ang alin?
Hulyo 21, 2008 Sa 7:08 hapon
burger ! burger !
—
Miho : Ate cute! salamat po sa pagbisita! Opo papa-burger ako basta’t makahanap aketch ng pala-burger-an dito sa blogosphere! Balik po kayo uyet~
Hulyo 21, 2008 Sa 11:00 hapon
wahh,,
ahehe sis, nice one!
congrats at sna dumami pa hits mo! ^_^
tka, pnu ba aku mgkakaron ng hits? prng wlang gnyan sa blog ko,,.
whahahaha!!
—
Miho : Sis Mara! Ahahaha… salamat sa pag-visit. Hits? Sa widgets ng blog mo…
Hulyo 22, 2008 Sa 7:23 hapon
ah,, ukie sis,, tenk yu! ~~
—
Miho : You’re welcome sis. Balik-balik lang kaw dito ha? Eksplor-eksplor lang ^_^
Hulyo 24, 2008 Sa 5:34 umaga
Miho mi unica hija. antay ako ng bago mong post. Wala pa ba???
Teka, nagturo nako ng bagong lesson.. absent ka. Bakit? Assignment mo basahin mo ang bagong lesson ah? antay ko comment mo para malaman ko kung nag aral ka nga. hehehe… Miss ka na ng mga klasmeyt mo!:)
—
Miho : Prof Zapped! Meron na po akong 2 ma-dramang posts. Wah suri po absent ako dahil exam week namin ngaun sa skul eh. Di bale sir, pag-aaralan kong mabuti ang bago mong lesson para maka-habol! Ay mis may klasmeyts tu! Salamat po sa pag-visit.