Ateng, Insekyur Po Aketch Sayo
Para sa mga naka-basa ng mga nakaraan kong post na pinamagatang “Bata Ka Lang“, at “Mahirap, pero kailangan…“, wag na po kayong mag-aalala. Okey na po ako. Masyado lang akong naging ma-drama noon sapagkat magulo ang eshep ketch.
Well ang nais ko sanang isulat ngayon ay ukol sa insecurities. Ano nga ba ang totoong ibigsabihin ng salitang “insecurity”? May mga nagsasabing ang insecurity daw ay dulot ng inggit. So meaning, pag inggit ka sa isang tao, insecure ka sa kanya. May iba namang nagsasabi na kaya ka inggit sa isang tao ay dahil insecure ka. Watda… nakakaloka ah.
Pero according kay Lolo American Heritage [education.yahoo.com/reference/dictionary], ang meaning ng insecurity ay ang pagdududa or being doubtful. Maari rin itong tumukoy sa pagiging mapanganib or unsafe. At ito rin ay maaring tumukoy sa pagiging unfirm or unsteady. Pero ang nahanap kong meaning na talagang swak na swak sa ibigsabihin ng salitang “insecurity” para sa panahon ngayon, ay ang mababang self-confidence. Ibigsabihin, kapag insecure ka sa isang tao ay bumababa ang self-confidence mo. In short, sa tingin mo’y mas mataas na klase ng tao siya, or mas marami siyang talents kesa sayo. Kumbaga, pinaghalu-halong inggit, inis, lungkot, at hiya. Does it mean na mas malala ang pagiging insekyur kesa sa pagka-inggit?
Anu-ano nga ba ang nadudulot ng insekyuriti sa isang tao? Marami, napakarami. Kapag insecure ka sa ibang tao, maaring bumaba ang self-esteem mo at hindi ka nalang makipag-halubilo sa ibang tao sapagkat sa tingin mo’y wala kang kwenta. Magtatanong ka ngayon sa sarili mo kung bakit ba siya biniyayaan ng Diyos ng mga katangian na wala ka. It’s either magiging loner ka nalang, or gagawa ka ng paraan upang ma-i-put-down ang taong kina-iinsekyuran mo.
Ang magiging outcome ng pagiging insecure ay iba-iba rin, depende kung anong klaseng tao ka. Kung ika’y isang weak o emo-type na tao, maaring magalit ka sa sarili mo at isipin mong, “Bakit ba ganun siya, ako hindi?” Dyan ngayon papasok ang suicide kung sobra-sobra na ang pagka-insecure mo sa isang tao. Naranasan ko na yan pero naisip ko rin na useless yun. At, hindi ko naman kasalanan na maging “kulang”, samantalang yung kinaiinggitan ko naman ay “sobra”. Diba mga ateng at koya?
Kung ikaw naman ay isang palaban at high-spirited na tao, mas nakakatakot at wicked ang maaring kalabasan. Pwede mong siraan yung taong kinaiinggitan mo sa trabaho, o sa paaralan. Or worse, you might ruin the life of the “victim” completely. Oh debah? Nakakatakot! At siyempre kung may bad at may worse, meron tayong worst mga friends, sisters, at brothers… At ang pinaka-masamang maaring mangyari ay pwede mong i-torture yung taong yun, or… First Blood kapag nag God-like na ang iyong pagiging insecure. Lanya, bat napasok DOTA dito?
Pero hindi naman lahat ng mga taong na-iinsecure ay ganyan. Kung ika’y isang mabait at God-fearing na tao, maaring kalimutan mo nalang ang pagiging insecure mo at mag-focus nalang sa ibang bagay na magpapasaya at makakatulong sa’yo. Mas magandang gawin yun diba? Sana pala lahat ng mga tao, kahit naiinsecure, ganyan. Pero hindi eh… Hahays…
By the way, ang insecurity ay katumbas ng envy o pagka-inggit. At ang envy ay isa sa mga 7 Deadly Sins. Walangya, nakakatakot naman pala mainggit! Pero natural lang naman sa isang tao yun eh. Kasi nga iba-iba tayo. May mga bagay na wala ako, na meron siya. At siyempre, may mga bagay na meron siya na wala ako. Pero it doesn’t mean na kapag “kulang” ako, ay “sobra” siya. Hindi… Marami parin siyang “kakulangan”. At ang kailangan lang natin sa ating sarili ay ang acceptance upang maalis ang insecurity. Mahirap mag-acquire ng acceptance at first, kahit ako nga ata, hindi ko pa nakukuha yan eh. Pero, alam ko na soon enough, magkakaroon rin tayo niyan.
Yan lamang po, at maraming salamat sa pagbabasa
.


Hulyo 26, 2008 Sa 1:28 hapon
sis, tma ka jan!
~~acceptance lng ang kelangan^_^~~
—
Miho : Opkorsh! Kahit mhirap, makukuha rin ntin yan ^_^
Hulyo 29, 2008 Sa 6:29 umaga
I used to deal with INSECURITY before and I must confess that my inferiority complex still kicks in sometimes and it is because I grew up, been almost destitute and lacked in lots of things and I don’t have anyone properly telling me how good I was and that I’m normal as all the kids in school even if I don’t have textbooks like them,yet it’s not that easy for me to feel that time way back then. But I have learned that the more you focus on what others have which u don’t, the more you are putting yourself into the pit.
Remember,We are ALL created equal. Each of us is given a GIFT. Some can sing very well when some others can’t. Some can invent new things. Some people can be very good in sports but is bad in dancing and there are some people who can WRITE.
-YOU MUST KNOW WHAT YOU GOT and MAKE USE OF IT. Talents are given to share it with one another, not to pit AGAINST each other. If u know what u can contribute to the world, you will never feel that lame, hopeless feeling again. Because once you have it, no one could ever take it away from u.
So stand tall, Miho.- U CAN WRITE.
—
I CAN WRITE! Tenkyu por dat inspirational comment~
Miho : Prof Zapped! Wow! Salamat at nagbigay ka pa ng dagdag-kaalaman dito! Maraming salamat po!
Hulyo 29, 2008 Sa 6:30 umaga
Teka, ako ba to? -Seryoso!
—
Medyo ma-drama ngunit nakapag-bigay ng inspirasyon hindi lamang sa akin, ngunit pati rin sa mga mambabasa ng aking blog! Salamat po ulit!
Miho : Okey lang po yan Prof Zapped!