Weekday Madness
Ahay! It’s a Friday night and I’m feeling alright! It is my, my, my, byutipul day. Start na ng isang mahaba-habang weekend sapagkat wala daw kaming pasok sa Lunes, dahil sa SONA ni PGMA. Meaning, may tatlong araw na naman si Miho La Eksplorada upang mamasyal, mag-explore, magpahinga, mag-blog, mag-libang, at magpakasaya bago tuluyang pumasok na naman sa isang nakakapagod na school week. Friday ngayon, so panahon na naman upang i-kwento sa inyo ang pangyayari sa aking buhay within this week. Blog ko to kaya’t isusulat ko dito ang kahit anong gusto ko. Kahit ang galit ko sa mundo. JOKE!
Monday – Nag-take ako ng Special Exams sa A.P.(Araling Panlipunan), Values Education, at Filipino sapagkat umabsent ako ng 1 week noong nakaraang linggo dahil sa ma-dramang buhay ko. Pero since okey na ang life ko dahil naka-seperate na ako sa mga klasmeyts ko na umabuso sa aking pagiging martyr kabaitan, back to school na talaga ang eksplorer niyo! Happy naman aketch sapagkat hindi naman masyadong mahihirap ang exams.
Tuesday – Absent. Magulo ang buhay. Insecure kasi sa isang tao. Muntik nang bitiwan ang pagmamahal sa aking Fafa Bear. Pero kinagabihan, okey na rin. Nagkaintindihan na. Suferdramush…
Wednesday – Absent. Napuyat sa kakaiyak. Nag-eksplor sa SM Fairview kasama ang aking Mommy. Nagpa-ayos ng buhok. Nagpagupit w/ hair treatment. Yung wax cellophane daw… At ito ang kinalabasan…
Oh debah mga ateng at koya? Dahil nais kong magpa-kulot, pumunta ako sa Going Straight sa SM noong Wednesday. Unfortunately, hindi daw pwedeng kulutin ang buhok ko sapagkat 1 year ago ay nagpa-straight ako. At… tulad nga ng sabi ni Ate Kengkay, kyut daw ang straight hair ko kesa sa kulot, at sabi nga rin ni Aling Baby na idol ko, mas bagay daw sakin ang straight at dapat daw ay i-maintain ko ang long, shiny, black hair na tulad daw ng sakanya… kaya’t hindi na lamang ako nagpa-kulot. At ayoko ring maging salot. Sabi kasi ng iba, kulot salot daw eh. Kaya naman, naisipan ko nalang na magpa-hair treatment dahil may mga tangles at split ends na ang heyrlaloo ko. Pero, dahil sa may kamahalan iyon, nagpagupit na muna ako ng buhok bago i-treatment upang mabawasan ang dapat bayaran. At yan ang resulta ng 2,000 pesos na pagpapaganda. Kaya nga lang, hindi na ako long hair… ano kaya ang mase-say ni Fafa Bear? Sana magandahan sakin.
Thursday – Second set ng Special Exams : English, MAPEH, at Chemistry. Buti naman at medyo okey rin ang mga exams. Wala namang nagpa-sakit ng aking ulo. Medyo masaya rin sapagkat nalaman ko na ako’y 65 over 70 sa A.P. exam na sinagutan ko noong Monday. Ang 65 over 70 na grade ay equivalent sa 96%! Sabi ni Ma’am ay ako daw ang nakakuha ng highest Mastery Test Grade sa A.P. kesa sa aking mga klasmeyts na handoon sa isang klasrum. (Sa Library na po ang classroom ko, para sa mga hindi nakaka-alam). Kinagabihan, nag-review ako para makakuha na naman ng high grades para sa exams kinabukasan. Matapos yun, nagulat ako ng tumawag si Fafa Bear sa bahay ng biglaan. Gulat ako, kala ko may problem. Nangangamusta lang pala, miss daw aketch. Nakakakilig…
Friday - Tinapos ko na ang last set of Special Exams at ito ay ang mga subject na Literature, Computer, at Math. Hindi naman masyadong nakakasindak ang mga exams kaya’t hindi naman sumakit ang aking utak. Umaasa akong matataas parin ang grades ko sa mga test na ito. Para naman kahit hindi na ako isasali sa Honor Roll at hindi ko na mapapangalagaan ang First Honor Rank ko, alam parin ng mga abusadong classmates ko na kaya ko parin mag-aral ng mabuti at napapag-sabay ko ang lablayp, blogging, pag-aaral, at siyempre, ang pagiging eksplorer
.
So ayan po ang mga nangyari sa 5 weekdays… Abangan niyo nalang kung saan-saan na naman ako mag-eexplore sa weekends at kung sinetch-sinetch na naman ang aking makakasalamuha. Ngunit anu-ano nga ba ang gagawin ko sa 3-day weekend ko? Hmm… Malamang ay puro relaxation at pag-aadvance study para sa next week.
Pero marami akong namimiss ngayon tulad na lamang ng aking mga Guardian Angel besprens na sila Enma at Aya sapagkat medyo busy ata sila ngayon sa school. Para sa inyo na hindi nakaka-kilala sa kanila, hindi ko mailalagay ang pic ni Enma sapagkat baka ayaw nun. Si Aya naman ay nailagay ko na ang byutipul pic niya sa isa sa mga blog post ko. Halungkatin niyo nalang
. Ngunit, nakakita ako ng isang magandang GIF na sa tingin ko’y kamukha naming tatlo. At ito yun…
Oh diba? Kahawig namin?


Hulyo 26, 2008 Sa 9:23 hapon
at saturday…bumista ako sa bahay mo.
wow ganda na ng hair…hehe. may bangs ba?? hilig me sa bangs eh. balak ko lang magpalagay ng konting wave sa dulo haha para maiba naman. salamat sa pagdalaw ha. sensya na at medyo indi nakakapag-update.
—
Pagpasensyahan mo na at medyo madilim… wala kasi akong datung pambayad sa electric bills dito sa blog ko
Opo may bangs parin xempre! Sige po aling baby, pakita mo sakin pag may wave na si hair mo ha?
No prob po… Lagi akong dadalaw sa bahay ng idol ko!
Miho : Aling Baby! Welcome sa bahay ko
Hulyo 27, 2008 Sa 11:57 hapon
am sure mas kyut kayong tatlo kesa sa GIFs na yan, de vah
at oo, mas maganda na yang buhok mo ngayon
—
Ahahahaha… cute nga po kami. As in nakakata-cute
. Salamat po~ Siyempre kelangan nating maging byutipul!
Miho : Ate Kengks!
Hulyo 29, 2008 Sa 2:46 umaga
next time, pakita mo na mukha mo, pag wala ka ng pimple!
—
Miho : Sure po!
Hulyo 31, 2008 Sa 6:12 umaga
Wow.. nice hair. sumali ka kaya sa PALMOLIVE circle of 10.
-its’ your time to shine!
hehehe…
sana wala na lang sensored yung face para naman makita nila yung entire byuti mo. Amshur magkakandarapa ang mga pupils sa deyker ko pag nakita ka nila.
Sipag mo pala mag juggle ng responsibilities! turuan mo naman ako.
hehehe…
Wuv,
your TeacheR.
—
Miho : PALMOLIVE SHIRKUL OF 10! Ahahaha… bawal pa ako dun sir eh. 14 palang aketch
Wahahahaa… Hindi naman po ako byutipul. Baka po madapa silang lahat dahil para narin silang nakakita ng “witch”
Joke!
Wahahaha… multi-tasking lang po yan
Siyempre dapat magaling sa time management!
Tenkyu po sa pag-visit teacher zapped! Wuv, Your Lakwatsera Student