Paano Nga Ba Makatulog?

Matapos ang muling di-pagkakaintindihan namin ni Fafa Bear noong nakaraang Linggo ay agad rin itong nasolusyunan. Kaya lamang, alas-dose na ng hating-gabi ay hindi na naman ako makatulog. Kumbaga, bagong problema na naman!

Namana ko ata ang pagiging insomniac ng aking Mommy kaya’t mahirap na akong makatulog sa gabi paminsan-minsan. Noong araw na iyon ay nag-isip ako n mga paraan upang ako’y makatulog.

Paano ba matulog?

Paano ba matulog?

1. Kumanta ng lullaby. Naalala niyo pa ba noong kayo’y baby pa? Kadalasa’y ginagawa rin sa inyo ito ng inyong mga magulang diba? Inihehele kayo upang makatulog ng mahimbing.

  • ~* Well in my case, ang ginawa ko noong gabing iyon ay kumanta ako sa sarili ko ng ilan sa mga kantang pambata tulad ng Twinkle, Twinkle, Little Star; Alphabet Song (yung A-B-C-D-E-F-G…); at siyempre, yung paborito ni Barney, yung “I love you, you love me. We’re a happy family…” Para nga akong lukaret na bumalik sa pagkabata nun eh… Pero hindi parin ako nakatulog kaya’t nag-isip ako ng bagong gagawin.

2. Kumanta ng peyborit song. Minsan, kumakanta rin tayo ng ating mga favorite songs bilang pampatulog diba? Lalo na kung mahihilig kayo sa mga soft songs tulad ng mga kanta ni Norah Jones, at yung mga love songs. Lalo na’t kasabay pa nun ay biglang papasok sa inyong utak ang mga happy at sweet moments. Siguradong mapapahimbing kayo ng tulog!

  • ~* Sa version ko naman, medyo sawa na kasi ako sa mga peyburit sungsh ko tulad ng mga kanta ng Evanescence. Naisip ko namang kantahin ang Nymphetamine na awitin ng Cradle of Filth. Natigil ako ng ma-realize kong Anti-Christ pala yung kantang iyon. Ano ba yan! Imbis na makatulog eh nagsisisi pa ako kung bakit ko yan nakanta. Syempre with matching shock effect pa yun as in, “HUWAAAAT!!!”

3. Counting Sheeps. Sino sa inyo ang nagbibilang ng ano bang Tagalog ng sheep? tupa para makatulog? Ilang tupa ba ang nabibilang ninyo? Naaalala niyo pa ba yun pagka-gising? Anong itsura ng mga sheeps sa isip niyo? Sigurado ba kayong sheep lang ang binibilang niyo?

  • ~* Sa aking naman, ang ginawa ko nung gabing iyon ay kakaiba since hindi ko alam ang Tagalog ng sheep itsura ng sheep. Ahay! Nagmukha akong double tanga dito ah? Imbis na magbilang ng sheep ay nagawa kong bilangin ang mga pugot na ulo ni Keti, ang pusang kabit. Siyempre yung ulo  niya ay may dugu-dugo at medyo naaagnas na. Yon ang parusa sa pag-agaw niya sa ex kong itago nalang natin sa pangalang Hobski. At dahil sa bayolente ata masyado ang naisip ko, hindi parin ako nakatulog.

4. Mag-isip ng isang pangyayari. Usually, ang mga magagandang pangyayari sa ating buhay, kapag ating binalikan ng tanaw ay siguradong matutulungan tayong makatulog. Kasi diba, magiging masaya ka, lalo na kung ukol sa achievements, success, o lovelife ang naiisip mo. So, makakatulog ka nun ng mahimbing, dibersh?

  • ~* Pero kay Miho the Explorer, iba ang version ng nyora niyo! Dahil sa sanay ako sa pakikibaka at pakikipaglaban violence at gore, imbis na sweet and happy memories or scenes ang aking maisip o ma-imagine, ito’y isang malaking HINDI! Ang nasip ko ay… ready na ba kayo?…. Promise, ready na ah?… Yung may mga heart ailments, pwede niyo nang i-close ang window na ito… (ang arte ko naman!)… Pero, seriously… ready na ba kayo? … Ok… Ang imaginary event na naisip ko nun ay…

-

-

-

-

-

-

-

Ano kaya ang naisip ni Miho? Nakakatakot kaya to? Nakakasindak, parang Winterrowd? O sadyang kaartehan lang ito ni Miho? Makakatulog na kaya siya? Abangan sa Part 2 ng blog entry na ito! (Ahay! May bitin effect pa talaga!)

12 Tugon to “Paano Nga Ba Makatulog?”

  1. kapag di ako makatulog? kakalabitin ko lang si kengkoy, hehehe


    Miho : Wa, pano yun ate kengks? Isang kalabit lang tas tulog na? :P May magic ata yun @_@

  2. kengkay, bata pa yan si miho. baka mangalabit yan, sige ka! haha!

    may sleeping pills ako, bigyan kita pag di ka makatulog! :)


    Miho : Ngek. Baka naman may ibang ibigsabihin si ate kengks dun sa kalabit. Malay mo po, kinakalabit niya si kengkoy para magpakuha ng sleeping pills :P

    Wahahahaha… Bawal pa ata sakin yung sleeping pills. Tenkyu!

  3. Mambitin bA?!!!!!!!!!!!!!!

    hoy mami kenks, makakatulog ka ba nun? Aist… shhhuuuu.. may bata pala dito. nyahahha!


    Miho : BITIN! PARA NAMAN MA-EKSAYT KAYO! :P

    Ahehehehe… may bata dito. Wak maingay (ay ako pala tinutukoy niyo :) ):P

  4. ahihi.. miho takpan ang mata ahahaaha…
    ako para makatulog ako.. nag ppray ako kay God.. sabi ko Bosing.. patulugin mo naman ako.. everything will be okey.. makakatulog na ako ng mahimbing nyan.. :D


    Miho : Opo, opo! Nakatakip na po. Ayan… inalis ko na yung takip para makapag-type na ako:P

    :) Praying! Napakalaking tulong nga po niyan. Salamat ^_^

  5. uyy epektib yan lambing, minsan yan ginagawa ko naman para panggising sa umaga lalo na pag walang alarm clock haha. pero ayon sa nabasa ko, hangga’t indi ka raw naantok, wag kang hihiga sa kama. try mo magbasa para mapagod ang mata mo o kaya, nood ka tv while jogging in place haha..basta magpagod ka kasi wala ka naman choice kundi antukin eh hehe…gudlak!

    teka, anu’t? may part 2 pa pala ito haha…cge aabangan ko yan. :)


    Miho : Nood TV while jogging in place. :O Nakakpagod nga yan aling baby!

    Opo, may fart tuh po itech! Salamat sa pag-abang!

  6. uyy epektib yan lambing, minsan yan ginagawa ko naman para panggising sa umaga lalo na pag walang alarm clock haha. pero ayon sa nabasa ko, hangga’t indi ka raw naantok, wag kang hihiga sa kama. try mo magbasa para mapagod ang mata mo o kaya, nood ka tv while jogging in place haha..basta magpagod ka kasi sa tulog din ang bagsak mo eh hehe…gudlak!

    teka, anu’t? may part 2 pa pala ito haha…cge aabangan ko yan. :)


    Miho : Tenks sa double comment aling baby! And super thnx sa pag-bisita ulit dito ^_^

  7. kengkay Sabi ni:

    ahahaha, erase erase, kakalabitin ko si kengkoy para ipaghele ako, hmpf – kung ano na agad naisip ninyo :D


    Miho : Ahahahaha. Ate kengks, ang sweet naman niyan! Hele! ^_^

  8. miyeong17 Sabi ni:

    sis!
    wahh,, d ka mkatulog?
    aku, ang gnagawa q, nakikinig sa rock music tpoz ayun, tulog agad ako.
    *prang cra lang ako eh nu*wahahaha
    pero infernez, nkakabitin ah.. hahahaha


    Miho : Sis! Ngek… Bat rock music? Nakakatulog ka dun? :P Parang unusual yun ha! Pero okey lang sis, atleast nakaktulog ka! :P Di ka sira sis… ^_^

    Nakakabitin talaga! Para maging interested kau ^_^

  9. try mo mgbigti

    hakhak

    elyens

    XXXxx


    Miho : Waaaaaa… elyens :) Ahahaha… bigti? Uu nga naman… makakatulog ako nun pero panghabambuhay nga lang @_@ Ehehehe… Bisita po ulit kayo ha? :)

  10. Wag kang makinig jan kay rimewire. Papaluin ko yan pagpasok sa deyker, Kmusta na Miho? wala ka bang bago? asan na yung part 2?


    Miho : Hi Prof! Wahahaha… :) Ok lang naman po aketch. Pakibasa nalang po ang next post ko for further details kung bakit 1 week akong absent sa mundo ng blogosphere at pti nrin po sa deyker niyo :( Sa weekend ko na po ipopost pati yung part 2!

  11. inom ka ng kape at sabayan mo ng COBRA energy DRink malamang tulog ka… after 2 days hehehehe!


    Miho : Waaaaaaaaaaaaaaaa… kaaapeeee? =) Waaa… COBRA? Eh di tutuklawin po ako nun? Haahahha… Waaaa… apter tu deis pa po? =) Ahahaha

  12. wala pa rin? tagal na!


    Miho : Eto na po :)

Mag-iwan ng Tugon

Dapat na nakatala ka upang makapagpaskil ng puna.