Ang Pagbabalik ni Miho La Eksplorada
Matagal-tagal rin akong nawala dito sa blogosphere. Almost 2 weeks nga ba? Ngunit ano nga ba ang tunay na dahilan kung bakit ako lumiban muna sa pag-ba-blog? Bakit nga ba ako absent ng 2 weeks sa deyker ni Prof. Zapped? Drop na kaya ako? Sana wag naman… Bakit hindi na ako nakapag-chika kay Aling Baby? Bakit di na ako nakakadalaw sa bahay ni Ate Kengks? At bakit di na ako nakakabisita sa inyong mga blogs? Manghula muna kayetch!
1. Dahil ba ito sa naging magulo ang aking mga Zombie Slaves kaya’t it took me 2 weeks just to discipline them?
2. Baka bumisita ang mga Martians dito sa Earth kaya’t nakipaglaban muna ang inyong minamahal na Eksplorada against them?
3. Baka naman naubusan ako ng pera kaka-Starbucks kaya naging pulubi muna ako for 2 weeks?
4. Ito ba’y dahil naligaw ako sa kaka-explore ko at ngaun lang ako nakauwi sa bahay?
5. O baka naman sadyang tinatamad lang ako mag-blog at nagbisi-bisihan kasama si Fafa Bear?
Ang kasagutan ay…
-
-
-
Wala sa mga iyon ang rason kung bakit ako nawalay sa inyo ng panandalian. Nagkasakit lamang ako (cancer? tuberculosis? diabetis? AIDS? hika?)… Ubo’t sipon lang naman. Wah, ang babaw naman ng rason. Pero higit sa lahat, naging busy ako sa studies dahil exams namin last week. Kaya ayon… Pero wag kayong mag-alala. Okey na ulit ako ngaun at ready na naman na gumala sa inyong mga blogs. Ready na rin ulit akong magkwento sa inyo ukol sa mga eventures sa aking buhay! At dahil na-miss ko ng lubusan ang pagba-blog, ipo-post ko na ang pinaka-aabangang Part 2 ng aking last entry na pinamagatang Paano Nga Ba Makatulog? At bukod pa doon, sasagutin ko narin ang mga TAGseng-TAGseng ninyo! Maraming salamat kila Aling Baby at jOycEe! Maraming salamat rin pala sa mga naka-miss sa akin kung meron man. Tenkyu berimatshi! O sige na, tama na itech.
At mula sa saglit na paglisan, eto na ang opisyal na pagbabalik ng batang-bata, ngunit hindi isip bata… ang nag-iisang batang gala’t lakwatsera… ang inyong kiddie meal dito sa blogospehere… Presenting, the one and only, Miho La Eksplorada! Wa, dami pa ka-ekekan eh noh?

Agosto 29, 2008 Sa 10:21 hapon
haayys buti naman bumalik na si bunso!!
weebeee miho!
aabangan ko ang mga bagong post mo!
—
Miho : Tenkyu berimatshi aling baby! Salamat po. Balik po kayo ulit ^_^
Agosto 30, 2008 Sa 1:26 umaga
hala, mabuti naman at magaling ka na
—
Tenkyu.
Miho : Salamat po sa pagbisita ate kengks! Oo nga po eh
Setyembre 25, 2008 Sa 4:54 umaga
Hindi kita dinrop. In fact Nagsembreak ang Deyker so just in time ka lang! hehehe… tsaka peborit kaya kita kaya enrolled ka pa rin ngayong 2nd sem!
Aminin mo na.. totoo yung 4 and 5! hahahahha!!!!
—
Miho : Hindi po ba? Ahhhh! Hahahaha. Wow naman Prof. Zapped! Peyborit mo pala aketch? Salamat!
Hahahah… Sige na nga. Aaminin ko na po!